"These are the nights that never die"
This is part of the lyrics to the song "The Nights" by Arci. Isang bagay na may malalim na kahulugan. Mga kahulugan na tumutugma sa mga reyalisasyon nakukuha ko sa ilang araw kong pagiging parte ng CVAP batch 20.
Natapos na ang ikaapat na linggo namin sa CVAP Batch 20. At ang araw na iyon, ay araw na kung saan ay nakipag kwentuhan saamin ang Voice Master ng Pilipinas na si Sir Pohcolo De Leon Gozales.
Sa mga sandaling iyon na nakasama namin sya sa zoom at naging maka buluhan ang mga salitang kanyang binitawan. Hindi na ako mag tataka kung bakit puno ng pag mamahal ang programa na ito. Dahil sa likod ng CVAP ay binubuo ito ng mga taong may mga ginintuang puso at ang namumuno dito ay taong walang ibang inisip kundi ang makapg bahagi ng bagay na mayroon sya. Mga bagay na kalian man ay hindi nya ipinag damot.
Habang nabubuhay tayo, mayroon tayong pag asa na makatulong sa iba. Lahat tayo ay may purpose, maaring ngayon ay nalilito pa tayo at hindi pa alam kung ano ba talaga iyon. Pero naniniwala ako na...
"We have abilities that we can share with others that only come from us."
Tunay nga na ang boses natin ay makapgyarihan. Hindi ko lubos inakala na hindi lang pala tungkol sa pagiging Voice Artist ang mapupulot kong aral dito CVAP, kundi aral sa buhay din. Sa araw na ito ay ipinakita saamin ni Sir Pocholo na
Ang pag bahagi ng karunungan at galing sa ibang tao ay hindi kahulugan na mawawala ito saiyo.
Dahil kapag ginawa mo ito ay hindi mamamatay ang galing mo, dahil may mga tao kang tinuruan o binahagian na dala dala ito hanggang saan man sila makarating at mananatili kang nanduon.
Ang buhay natin iisa lang, hindi natin alam hanggang kailan tayo sa mundo. Kaya ngayon palang maganda na kumikilos tayo, gumawa tayo ng bagay na maari tayong maalala ng ibang tao dahil sa pag bibigay natin ng tulong sakanila. Huwag natin sayangin ang ating boses, isigaw natin ang ating mga naisin at damdamin ng may puso, dahil hindi natin alam kung hanggang saan at ano kayang marating ng boses natin.
Lahat ng bumubo ng CVAP, kahanga hanga kayo.
Know your purpose..
Shout your purpose..
“Someone out there needs to hear your voice” #Pochology
Sounds of Shan
CVAP Batch 20
Commentaires