top of page
Search
Writer's pictureSounds of Shan

"Comfortability Kills Dreams."

Updated: Jul 27, 2023


Ang pagiging kumportable sa araw araw na buhay, ay isa sa pinaka gusto nating mga tao. Pero minsan ba dumating kana sa punto na sa sobrang kumportable mo ay napapatanong ka nalang ng


“Ano na bang progress ng buhay ko?” “Nasaan na nga ba ako?” “Teka, ano bang plano ko?” At higit sa lahat “Hanggang dito nalang ba ako?”.





And those questions often enter our minds as the days and months pass while we are always inside our comfort zone. Always hiding, always resting.




May mga ilan na gusto ng pag babago sa buhay pero nauuna ang takot nila. Mag kaiba ang "tamad" sa "takot". So sino ka dun? Ako kasi both *Joke*






Hi, I am a 4th-year college student, and like everyone else, I'm just a simple person. My life often revolves around home and school. Rarely go out; rarely do other activities in life besides simply making friends or whatever. My passion is painting or drawing, singing, playing the guitar, or learning any other instrument. But I only do all that in my own world, which is typically limited to the four corners of my room.




Nitong nag daang bakasyon, na realize ko na, “Oo nga naman” yung pamagat na nilagay ko sa taas ay sadyang totoo nga naman. May nabasa ako, ang sabi




"R.I.P to the opportunities we missed because of shyness & low self-esteem."



Nakakalungkot kapag may isang taong mataas ang gusto at gawing plano sa buhay, ay nababalot ng takot at pag aalala. Pero alam mo ba? na hindi mo pa alam? *korni ko*. Ito na, alam mo ba na naniniwala din ako sa kasabihan na




“GROWTH happens when you start doing things you are unqualified to do."



So kapag may isang bagay ka na gusto mong pasukin pero nag aalangan ka kasi baka hindi mo naman kaya o matalo ka lang? Ok lang yun. Kasi hindi ka naman lugi sa experience na makukuha mo. Sigurado ako may matututunan at makukuha tayo na pwedeng makatulong sa mga susunod pa nating hakbang kahit tayo ay mag wagi o mabigo dito. We are not born knowing everything, Kaya kung may gusto kang pasukin, gawin, o salihan na mga bagay, go for it! 😊 kung hindi naman ito masama.




Kagaya ko, this June 2023 lang sinusubukan kong mag explore, maging isa o sumama sa ibat ibang grupo ng tao. Katulad ng pag Sali ko sa isang organization o banda/parade nitong naka raan lang kahit wala akong kakilala. Sasali din ako sa isang organization sa school this year bilang officer *hopefully manalo*, at sumali din ako sa CVAP Batch 20 https://certifiedvoiceartist.com/ na isa sa dahilan kung bakit ako gumagawa ng blog na ito.




Isang maliit na hakbang lamang ito sa buhay ko para sa iba, ngunit para saakin ito ay malaki at “bago”.



Kaya kung nag aalangan kayo sa pamagat na nilagay ko dito? Samahan ninyo ako na madiskubre ang mga sagot na ito, lalo na sa tulong ng aking magiging CVAP journey. Ano ba ang mga madidiskubre ko? Ano ba ang mababago ko sa aking sarili? Ngayong hindi ako masyadong kumportable sa mga bagong bagay na pinasok ko dahil kasama ko ang hiya, takot at pag aalala.




Anong growth ba ang makukuha ko? Gusto ko ring masagot at excited na ako i-share ito sainyo. Baka katulad mo rin ako, laging binabalot ng “Baka”. Hindi yung baka na hayop ah? Kundi baka na “what if”.




Many are successful today who also went through many questions, and often among the people who have come a long way are the people who chose to face their fear and feel "uncomfortable".



Baka kasi kaka what if mo na simulan ang mga plano mo sa buhay katulad ng




“What if hindi ako bagay dito” “What if I judge ako ng mga tao?” “What if mag muka akong katawa tawa sakanila?"



Hindi mo alam hindi naman pala sila ang problema at kalaban mo para maabot ang mga pangarap mo. Baka ang kalaban mo lang naman pala ay ang sarili mo. Kaya tara na? lets all get a little uncomfortable.






SoundsOfShan


CVAP Batch 20



18 views0 comments

Comments


bottom of page